MANILA, Philippines - Nagtala ng mga straight sets wins sina national team mainstay Joper Escueta at Joella De Vera ng Whackers sa kani-kanilang events para banderahan ang pagbubukas ng P1 million Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament sa PowerSmash kahapon sa Makati City.
Tinalo ni Escueta, naghari sa Prima Pasta Open at nagkampeon sa Under-19 crown sa 2010 Ming Ramos-Victor National Open, si Carlo Glenn Remo ng Escoses Training Camp, 21-14, 21-8, sa boys’ singles matches sa 128-player U-19 field.
Dinomina naman ni De Vera si Sarah Joy Barredo ng WWGBA-Prince sa first set patungo sa 21-8, 21-16 panalo sa U-15 girls’ singles ng torneong nagsisilbing kickoff leg ng nasabing four-stage nationwide ranking circuit.
Makakasama ni Escueta, paborito rin sa Open category ng eight-day tournament na suportado ng MVP Sports Foundation-Goal Pilipinas!, Bingo Bonanza Corp. at Victor at may basbas ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission at ng bagong Philippine Badminton Association, sina national junior team member Carlos Cayanan, Sean Chan ng JC Badminton, Josh Maquelabit ng Escoses, Elijah Boac ng Prima, Aleckhine Aquino ng Theresian BC, Karl Foronda, Kyle Gosiaco at Clarence Filart ng Golden Shuttle Foundation.
Iginupo ni Cayanan si John Navarro, 21-11, 21-13, sa kanilang laro.