^

PSN Palaro

8th Title puntirya ni Pacquiao: Sa laban ngayon kay Margarito

- Abac Cordero -

DALLAS--Kung mana­nalo siya, may bago nang katawagan para sa kanya --ang ‘Eighth Wonder of the World’.

Target ni Manny Pacquiao ang kanyang pang walong world title.

Sa ngayon, si Pacquiao lamang ang tanging boksingero na nagwagi ng pi­tong world boxing crowns sa pitong magkakaibang weight classes.

Ito ay sa flyweight, su­per-bantam, featherweight, super feather, light weight, light welter at welterweight.

“I come from nothing,” sabi ni Pacquiao.

Makikipagtagpo si Pacquiao kay Antonio Margarito ngayon sa Cowboys Sta­dium sa harap ng inaasahang 60,000 bilang ng manonood.

Pag-aagawan nina Pac­­quiao at Margarito ang bakanteng WBC super-welterweight crown.

Ilang boksingero lamang ang may multiple world titles.

Kabilang rito sina Tom­my Hearns (welter, super-welterweight, middle, super-middleweight at light-heavyweight); Sugar Ray Leonard (welterweight, middleweight, super-middleweight at light-heavyweight); Roberto Duran (lightweight, welterweight, light-middleweight at middleweight); at Oscar dela Hoya (super-fea­therweight, lightweight, super-lightweight at welterweight).

May apat na world ti­tles rin sa magkakaibang weight classes sina Roy Jones, Jr. at Floyd Maywea­ther, Jr.

Lalabanan ni Pacquiao si Margarito sa catchweight na 150 pounds.

Kung lumaban si Pacquiao sa bantamweight class, malamang na may wa­long world titles na siya.

“Kuha din sana ‘yun so dati pa pito pa sana,” wika ni Pacquiao.

So where does he go if he gets past Margarito?

Samantala, hindi naba­bahala ang Pambansang kamao sa pagkakaroon ng magaan na timbang pa­pasok sa tagisan nila sa kuwadradong lona ng mas malaking Margarito.

Matapos ang weigh-in kahapon na ginanap sa East end zone ng nasabing stadium, tumimbang la­mang si Pacquiao sa 144.6 pounds habang ang kalaban na si Margarito ay pumasok sa eksaktong 150 pounds.

Ang paglalabanan ng da­lawa ay para sa bakanteng WBC junior middleweight title na dapat ay sa tim­bang na 154 lbs. pero ibi­naba ito sa catchweight na 150 pounds.

“Masaya ako sa timbang kong ito,” wika ni Pacquiao na nais na pumasok sa magaan na timbang upang hindi mawala ang pan­laban na bilis at mala-ra­pidong suntok.

Pinatutsadahan pa nito si Margarito na nagawang maabot ang weight limit kahit marami ang nagsabing mahihirapan ito sa ga­gawing pagpapababa ng timbang.

“Margarito did not look good,” banggit ni Pacman.

Kapos si Pacquiao ng ha­los limang pulgada sa 5’11 na si Margarito habang pitong pulgada naman ang abante ni Margarito sa wing span sa kanyang 73-inches laban sa 67-inches ng pambato ng Pilipinas.

Pero ang kinatatakutang bilis nito ang siya pa ring naglalagay kay Pac­quiao upang maging outstanding favorite sa tagisan.

Sa gabi ng sagupaan, si Pacquiao ay may -500 la­ban sa +350 ni Margarito. Nangangahulugan ito na dapat maglabas ng $500 ang mga nagnanais na pu­musta kay Pacquiao upang manalo ng $100 habang ang $100 para kay Margarito ay tatama na­man ng $350.

Kapwa nagsanay nang husto ang dalawang boksi­ngero at bagamat nagkaroon ng mga problema sa pagsasanay si Pacquiao sa unang yugto nito ay nakabawi naman siya nang tumungo na sa Wild Card Gym para sa huling tatlong linggo ng sagupaan.

ANTONIO MARGARITO

COWBOYS STA

EIGHTH WONDER OF THE WORLD

FLOYD MAYWEA

MARGARITO

PACQUIAO

ROBERTO DURAN

ROY JONES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with