So, Nielsen draw sa Netherland chessfest

WIJK aan Zee, Netherlands --Inilabas lahat ni GM Wesley So ng Philippines ang kanyang nalalaman upang itulak ang kanilang sagupaan ni GM Peter Nielsen ng Denmark sa draw sa panimula ng 2010 NH Rising Stars vs. Experience chess team tournament sa NH Grand Hotel Krasnapolsky dito nitong Huwebes ng gabi (Manila time).

Nagkasundo ang 16-anyos Filipino champion at ang 37-gulang na Danish GM sa draw matapos ang 48-moves ng Slav defense.

“It’s a good start for Wesley – a fighting draw against the top player of last year’s competition,” said National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president/chairman Prospero “Butch” Pichay.

Tinapos nina So-Nielsen ang kanilang laban sa pama­magitan ng 2.5-2.5 draw sa pagitan ng Rising Stars na binubuo ng mga batang manlalaro laban sa Experience team na binubuo na­man ng mga beteranong manlalaro.

Show comments