MANILA, Philippines - Sa ikatlong sunod na season, muling magbabalik sina Jr. NBA-appointed coaches Ronnie Magsanoc, Ryan Gregorio, Elmer Cabahug at Al Solis sa Jr. NBA Philippines Program na presinta ng Hi-Smart Multivitamins.
Sa pagkakataong ito, isa pang ex-PBA cager--si Cadel Mosqueda ang makakasama na sa grupo upang ipakikilala ang naturang programa sa Davao City sa unang pagkakataon.
Bukod kina Magsanoc, Gregorio, Cabahug, Solis at Mosqueda, iba pang topnotch local at collegiate coaches ang nagpahayag ng kanilang interes na sumama sa coaching staff ngayong 2009-10 Jr. NBA Philippines Program.
Ang ilan rito ay sina Jamike Jarin, coach ng Ateneo Blue Eaglets; Britt Reroma, San Beda Red Cubs coach; Aboy Castro, varsity coach ng UP Fighting Maroons at Ron Camara, coach ng Ateneo Grade School at iba pa.