Pustahan para sa Pacquiao-Mayweather fight bukas na

MANILA, Philippines - Bukas na ang pusta-han sa laban nina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao bagamat hindi pa nagsisimula ng negosasyon para sa laban na tila sa panaginip lamang magsisimula.

Halos magsisimula pa lamang ang negosasyon sa pagitan nina Bob Arum ng Top Rank na kakatawan kay Pacquiao at Richard Schaefer ng Golden Boy, na tumulong iselyo ang mga nagdaang laban ni Mayweather, sa laban na hinihintay at nais mapanood ng buong mundo.

Pero nagbukas na ang mga betting lines at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari sa isang laban na hindi pa alam kung matutuloy o hindi. Ngunit kapag natuloy, malamang na maganap ito ito sa June o sa July o baka mas late pa.

Pero sa BetUs Sportsbook, nakakalamang na si Mayweather, ang hambog at undefeated American laban sa hardhitting, devil-may-care Filipino pound-for-pound champion.

Si Mayweather, walang talo sa loob ng 40 laban, na ang huli ay si Juan Manuel Marquez, ay galing sa 21 buwang pagreretiro. Sa kabilang dako, si Pacquiao naman ay nilabanan na ang lahat at tinalo rin ang lahat sa loob ng apat na taon at walong buwang pakikipagboksing.

Sa maagang pustahan, liyamado si Mayweather sa -165 na ibig sabihin para manalo ng $100 kailangang maglabas ka ng $165. Si Pacquiao naman ay +125 na ang tayang $100 ay mananalo ng $125.

Maliban sa kanyang laban kay Oscar Dela Hoya noong December, laging pinapaboran si Pacquiao kontra sa ibang kalaban na kinabibilangan nina Marco Antonio Barrera, Marquez, David Diaz, Ricky Hatton at Miguel Cotto.

Umabot pa ng hanggang -350 si Pacquiao laban kay Cotto at natapos sa -230 sa bisperas ng laban na natapos sa 12 round TKO panalo ng kaliweteng Pinoy.

Kapag natuloy ang Mayweather-Pacquiao fight wawasakin nito ang lahat ng rekords sa boxing, at tiyak na kikita ng $150 million sales sa pay-per-view at maaring kumita ang bawat boxer ng tig-$50M bawat isa.

Ngunit muli, maaaring mangyari o hindi ang laban depende sa magiging resulta ng negosasyon dahil ang bawat isa sa kanila at nais ng mas malaking hati sa premyo.

Ngunit ayon sa mga eks-perto, maraming perang mailalatag para tumanggi ang bawat kampo.

“The money will be unprecedented so they should figure it out (how to make the deal),” ani Emmanuel Steward.

Show comments