MANILA, Philippines - Maagang sinimulan ng University of Santo Tomas ang pagpapakitang-gilas sa pamamagitan ng nagbabalik na sina Angeli Tabaquero at beteranong si Aiza Maizo sa isang pukpukang duelo kontra Adamson, 25-18, 17-25, 25-17, 25-16 para sa pagbubukas ng Shakey’s V-League sa The Arena, San Juan City kahapon.
Animo lumusot sa karayom, nagsanib pwersa sina Tabaquero at Maizo na nagpakawala ng kill at block upang basagin ang 9-all iskor at manipulahin ang buong laban.
Bumawi mula sa tatlong season kumperensyang pagkawala, tumipa ng tatlong hits si Tabaquero mula sa kabuuang 15 points produksyon, katulong si Maizo na mayroong 16 points ambag, hinagupit ng Tigresses ang Lady Falcons.
Nailusot ng UST ang panalo nang magmintis ang serve ni Angelica Vasquez ng Adamson.
Matapos makaba-ngon ng Lady Falcons sa second frame na humatak ng tabladong marka, agad umaksyon sina Tabaquero, Maizo guest player Roxanne Pimentel at rookie Mary Banatiola sa third set, 19-5, upang pigilan ang pagratsada ng San Marcelino-based squad.
Sa kabilang banda, nagrehistro si Jill Gustilo ng 13 points at tig12 points naman ang kinoketa nina Angela Benting at Vasquez para sa AdU na tumapos na third place sa 1st conference ng ligang hatid ng Shakey’s Pizza at suportado ng Mikasa, Accel, Mighty Bond at Oracare.
Sa sumunod na laban, dinomina ng Far Eastern University ang University of The Phils sa isang straight set game, 25-13, 25-23, 25-16 panalo upang makasalo ang UST sa unahan. (Sarie Nerine Francisco)