Fil-foreign players tinatawagan ng SBP

MANILA, Philippines - Nanawagan si Eric Altamirano, ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Program Head ng National Basketball Training Center (NBTC) at Head Coach ng Philippine U16 National Youth Team for Boys, sa lahat ng Filipino basketball players na nakabase sa Pilipinas o overseas na nais maging miyembro ng future Philippine basketball teams.

Bagamat prayoridad ang mga local-bred players mula sa mga pobinsiya binubuksan din ng NBTC ang kanilang pinto sa mga Filipinos na naninirahan sa ibang bansa tulad sa United States, Canada, Argentina, Brazil, Europe, Africa at Australia.

Sinabi ni coach Eric indicated there na may matinding pangangailangan ng dalawang klase ng players para sa NBTC

Una ay ang matatangkad na foreign player (6’10 and above) na nais maging naturalized Filipino. Kinakailangang pinanganak ito noong 1993 o sa mga susunod pang taon na may tipong Bill Russell.

Ikalawa ay Filipino o Fil-Foreign player na mahusay na point guard kailangang ipinanganak ito noong 1993 higit pa at mature nang maglaro

Kinakailangang marunong silang lumaro tulad sa International Game.

Naghahanap din ng Fil-foreign players na consistent outside-shooters mula sa mid-range hanggang 3-point line.

Ang Philippines ay nangangailangan ng malalaking players para sa program na nakatuon sa international competition. Kailangan din ng mga batang players (boys and girls)na nasa12 to 19 age requirement ng NBTC program.

Kung may Filipino o Fil-foreign kids na naka-base sa bansa o sa overseas at may talento sa basketball, tinatanggap din ang rekomendasyon at maaaring makipag-ugnayan kay coach Eric sa altamiranohoops@yahoo.com.

Para sa Men’s National Team, naghahanap ng dalawang matatangkad na foreign player(s), na kung maaari ay may taas na 7 feet. Ang foreign player ay sasailalim sa naturalization para maging Filipino citizen. Naghahanap din ng mga player na makakasabay sa mga seven-footers ng Asya.


Show comments