MANILA, Philippines - Nananatiling mabangis at matalim ang San Miguel ba-gamat mahaba ang naging bakasyon nito makaraang itala ang lopsided na 102-87 panalo laban sa Burger King sa kanilang opener sa Motolite PBA Fiesta Conference best-of-seven semifinal showdown sa Araneta Coliseum kagabi.
Nagbalik mula sa pagmumuni-muni , kumana ng game high 22 puntos si Gabe Freeman bukod pa sa 9 rebounds at maagang ipinadama ng Beermen ang kanilang lakas bilang paborito matapos ang classification round.
Nagtulung-tulong din sina Jay Washington, Dondon Hontiveros, Danny Ildefonso, Marc Pingris at Jonas Villanueva sa pagkamada ng malaking numero nang igupo ng Beermen ang Whoppers sa unang dalawang yugto pa lamang ng laro.
“Actually, we took a while to get a good rhythm but the players played through it, and that’s the main thing,” wika ni San Miguel coach Siot Tanquingcen.
Ang inaasahang bakbakan ay naging madali para sa Beermen nang magsagawa sila ng crucial run sa ikalawang quarter at higit na nag-init pa sa sumunod na yugto.
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban naman ang Barangay Ginebra at Rain or Shine sa isa pang semifinals opener.
Gayunpaman, bagamat magaan ang panalo sa pagbubukas ng kanilang serye, ayaw maging kumpiyansa ni Tanquingcen.
“It’s just one game and it doesn’t make four wins needed to win the series. Knowing coach Yeng (Guiao), he’s gonna get his team ready for the next game,” ani Tanquingcen.
Si Freeman na nireactivate mula sa injured list makaraang kaliskisan si Chris Williams, ay nagpakitang-gilas nang kumana ito ng 10-of-15 sa field at 2-of-3 sa stripe.