Santos, PBAPC Player of the Week

MANILA, Philippines - Ang mahusay na kalibre ni FEU Tamaraw, Arwind Santos ang nagmarka sa Burger King na itinuring na pangunahing sandata ni Yeng Guiao.

 “He is such an effective player,” pahayag ni Guiao matapos kilalaning Motolite/ Accel PBA Press Corps’ Player of the Week.

 Ginawa ang lahat, muling pinatunayan ng do-it-all forward na si Santos ang kapasidad niya bilang manlalaro makalipas tanghaling Player of Week simula March 16 to 22, at Abril 27 to May 3 sa Fiesta Conference.

“What makes him more effective is his ability to play defense,” papuri ni Guiao. “He has been guarding imports for us and has been giving us a good all-around game.”

 Determinadong makabawi, pinakitaan ni Santos ang Sta. Lucia Realtors nang paluhurin sa deciding quarterfinals game noong Linggo. Sa loob ng 26 minuto, humakot ng 15 points, 8 rebounds, 2 blocks, 1 assist at steal ang 6’4 na si Santos para isalba ang Whoppers sa 120-72 panalo na nagtulak ng dwelo kontra Realtors.

 Ang mga naitalang pigura ay ang madalas na kontribusyon (average points) ni Santos sa kumperensya. Ang 17.9 points, 7.4 rebounds, 1.7 assists at 1.1 blocks kada laro ang tumulong sa Powerade Pilipinas para rumampa ng SEABA championship sa Medan, Indonesia. (Sarie Nerine Francisco).

Show comments