MANILA, Philippines – Sa pag-atras ng Thailand at Laos, inaasahan nang lalo pang magdodomina ang Powerade Team Pilipinas sa nalalapit na 8th South East Asia Basketball Association Men's Championships.
Ngunit mas gusto ni national head coach Yeng Guiao na makita ang sistema niyang gagamitin para sa FIBA-Asia Men's Championships sa Taijian, China at sa William Jones Cup sa Taiwan.
“I don’t want to be overconfident and say na tapos na ito,” wika kahapon ni Guiao sa lingguhang PSA sports forum sa Shakey's U.N. branch. “I don’t want players to just play games because they are physically superior and more talented. Ang gusto ko manalo kami because we are using a system and not just try to overpower them.”
Ang SEABA ang siyang qualifying tournament para sa FIBA-Asia na siya ring qualifier patungo sa 2010 World Championships sa Istanbul, Turkey.
Kaugnay nito, hindi naman makakalaro sa SEABA si Jayjay Helterbrand ng Barangay Ginebra dahil sa natamo nitong pulled hamstring injury sa 114-71 paglampaso sa Rain or Shine sa kanilang playoff game para sa No. 2 seat sa 2009 PBA Fiesta Conference noong Linggo.
Ayon sa doktor ng Gin Kings, 10 araw ang kakaila-nganing pahinga ng 6-foot-1 pointguard.
Si Helterbrand ang ikatlong miyembro ng Nationals ni Guiao na hindi mapapakinabangan sa SEABA. (Russell Cadayona)