Gian Chiu, payag maglaro sa pambansang koponan

Nasa Pilipinas ngayon ang 6’10” na dating sentro ng Ateneo de Manila Blue Eaglets na si Gian Chiu upang magbakasyon. Katatapos pa lamang ni Gian sa unang taon niya bilang sentro ng Oberlin College Yeomen sa Ohio, isang US NCAA Division III college.

“It was tough, but basically because of how physical the game was,” sabi ni Chiu, na unang namataan sa edad na 14 nang siya ay 6’7” na sa Ateneo. “I need to become more of an imposing presence someone who, when he enters the game, the other coach changes his defense and confuses his players.”

Sa unang pagkakataon sa loob ng walong taon, pumasok sa conference tournament ang Yeomen, dala na rin ng pagpapakita ni Chiu.

Nang tanungin ko siya kung papayag siyang maglaro sa pambansang koponan, sabi niya’y karangalan ito para sa kanya.

“I’ve already talked to my coach about it, and he said it’s no problem,” dagdag ni Gian. “We just need to know the schedule in advance, to work around the possible conflicts.”

Sa katunayan, kinausap na si Chiu ng coaching staff para sa bagong three-on-three youth tournament na pinasimulan ng FIBA, subalit hindi siya natuloy sa laro sa Macau.

 Ayon kay Chiu, tuloy pa rin ang plano niyang maging doktor. Ang magpapahirap lamang ay kung may alok ang ibang PBA team. Kasalukuyan siyang nakikipag-ensayo sa Barangay Ginebra habang nagbabakasyon dito sa Pilipinas.

“It would be a tough decision,” pag-amin ni Gian, isang A+ student sa kanyang huling taon ng high school sa Desert Christian sa California. “I’d love to play professionally, but I really want to be a doctor. Anyway, that’s still three years away.”

Siguradong mahihirapan siyang mag-isip, dahil ngayon pa lang, may mga PBA teams na nag-iisip kung paano maaakit ang higanteng bata na ipagpaliban muna ang  pagiging doktor upang sundan ang isa pa niyang hilig, ang paglalaro ng basketbol.

Show comments