Twice-to-beat tangka ng Pharex

Matapos ang malaking panalo laban sa Harbour Centre, tangka ng Pharex ang ikalawang twice-to-beat privilege sa quarterfinal round sa pakikipagharap sa Burger King ngayon sa pagtatapos ng double-round elimination ng PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa Gov. Ayong Maliksi gym sa Trece Martirez, Cavite.

Tinapos ng Pharex ang 12-game winning streak ng Harbour Centre sa pamamagitan ng 99-97 panalo nitong Sabado  kung saan nasiyahan si coach Carlo Tan sa ipinakita ng kanyang team.

“We rotated the ball so well and we played hard on the defensive end,” ani Tan na nais ihatid ang Pharex sa semis sa kauna-unahang pagkakataon. “I’m glad, the boys found their second win after dropping four straight games at the start of the second.  This is a confidence-building win.”

Paborito ang Medics na manalo laban sa Burger King sa kanilang ala-una ng hapong sagupaan.

Magsasagupa naman ang Harbour Centre, nakabangon sa masaklap na pagkatalo matapos igupo ang Bacchus Energy Drink, 81-64 at ang kanilang kapwa automatic semifinalists nang Hapee Toothpaste sa alas-3:00 ng hapon na kinokonsidera ng ilan na preview ng title showdown.

Samantala, inaasahan ni Commissioner Chino Trinidad na magiging maaksiyon ang PBL Showcase sa Sabado sa The Arena sa San Juan.

Show comments