Patuloy ang pagtanggap ng parangal ni IBF/IBO flyweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire dahil sa kanyang nakakagulat na fifth round knockout na panalo kay Australian Vic Darchinyan noong July 7.
Isang araw matapos mapili ng prestihiyosong Ring Magazine ang laban ni Donaire kay Darchinyan bilang ‘Knockout of the Year” at “Upset of the Year”, pinarangalan naman ang Pinoy ng HBO ng gayunding parangal sa kanilang pagpili sa “Best of 2007”.
Nasiyahan si Donaire nang ibalita sa kanya ang Ring Magazine awards at lalo na nang malaman ang parangal ng HBO sa bisperas ng Kapaskuhan.
“This is an honor. Its great to hear. I am now motivated more than ever to do a lot of things,” anang 25 anyos na kampeon.
Ayon kay Donaire, ito ang mga parangal na nais ng bawat fighter at masayang-masaya siya dahil natanggap niya to sa unang taon nang siya’y maging kampeon.
Naging mahigpit niyang kalaban sa parangal para sa “Upset of the Year ang junior welterweight champion na si Gavin Rees at WBO bantamweight champion na idolo din niyang si Gerry Peñalosa na umiskor ng one-punch knockout win kay Jhonny Gonzales uang mapagwagian ang WBO crown.
Upang makamit ang parangal, sinuring mabuti ang kagulat-gulat na knockout win ni Donaire kay Darchinyan at sa tatlong naunang laban nito. Dalawang buwan bago ang laban kay Darchinyan, tinalo ni Donaire si Oscar Andrade at Jose Luis Cardenas.
At para sa ‘Knockout of the Year, award ang kanyang one punch knockout kay Darchinyan ang naging basehan nito kung saan isang counter left hook ni Donaire ang nagpahalik kay Darchinyan sa lona.