Chen vs Lee sa men’s singles title: Zhu at Zhou naman sa ladies ng RP Open
Si Chen, pumangalawa lamang sa kababayang si Lin Dan sa mundo, ay bumangon sa masamang laro tungo sa pagdaig kay 9th pick Park Sung Hwan ng Korea, 21-16, 21-19 panalo, habang, umabante naman si Lee, world No. 3, sa finals nang hindi man lang nagamit ang kanyang raketa kontra kay No. 6 rival Sony Dwi Kuncoro ng Indonesia na umayaw dahil sa kanyang lower back spasm sa lower half ng draw.
“I know he’s an up-and-coming player,” ani Chen sa pamamagitan ng interpreter na tumutukoy sa kanyang panalo kay Park.
Ang finals na ipapalabas ng live sa Solar Sports at RPN-9 ay magsisimula sa alas-2 ng hapon.
Sa kababaihan, pinayuko ni Zhou Mi ng Hong Kong si Juliane Schenk ng Germany, 21-14, 17-21, 21-12, upang madale ang unang championship spot sa ladies singles.
Inaasinta ni Zhou, No. 54 sa mundo, ang kanyang ika-apat na titulo ngayong taon kasunod ng tagumpay sa New Zealand Open noong May, Miami-Pan American noong Abril at Thailand Open Grand Prix kamakailan lamang.
Patuloy naman ang pananalasa ni Chinese Zhu Jing Jing nang hiyain nito si Adriyanti Firdasari ng
Dahil sa panalong ito, makakalaban ni Zhu, No. 207th sa mundo na nagpatal-sik sa defending champion na si Saina Nehwal ng
Sa isa pang sorpresang laro, pinatalsik ng fifth seed Korean pair nina Yu Mi Hwang at Sang Hoon Han ang second ranked Indonesian na sina Vita Marissa at Flandy Limpele, 23-21, 11-21, 21-19, para sa unang finals seat sa mixed doubles.
Kasalukuyan pang nilalaro ang isang mixed doubles game, men’s at women’s doubles.
- Latest
- Trending