Bubuga pa ng apoy

WRONG timing lang daw talaga ang pagkakaroon ng injury ni Charles Clark!

Ayon kay Alex Compton, "Kung si Clark ay nagkaroon ng injury noong Linggo at hindi two weeks ago, magkakaroon kami ng one week para makapag-adjust sa bago naming import at mas maganda ang magiging performance namin ngayon.

Nanakit ang paa ni Clark tatlong minuto matapos na magsimula ang game ng Welcoat kontra Purefoods Tender Juicy Giants noong Abril 8.

Dati na pala niyang injury iyon na nilagyan ng turnilyo ang kanyang paa walong taon na ang nakalilipas.

Dahil doon ay nagkumahog na humanap ng kapalit na import ang Dragons at ang nakuha nila ay si Robert Sanders. Pero tila pabagu-bago ang ihip ng hangin para dito kay Sanders na sinasabing mas athletic kaysa kay Clark.

Mas mayabang daw si Sanders at ito ang gusto ng Welcoat management. Pero may konting baltik nga lang. Magkaganoon man ay okay naman ang mga numero niya.

Kung ikukumpara ito sa mga numero ni Clark, makikitang sa scoring lang angat ang dating import ng Welcoat.

Sa pitong games, si Clark ay nag-average ng 25.86 puntos, 9.86 rebounds. Itong si Sanders ay may average na 20 puntos, 10.67 rebounds, tatlong assists, isang steal, tatlong blocked shots at tatlong errors sa 31 minuto.

So malaki talaga ang potential nitong si Sanders. Subalit hindi pa niya naihahatid sa panalo ang Welcoat na pinadapa ng San Miguel Beer (96-90), Red Bull (100-71) at Air21 (102-94).

"Mahirap kasi na isang import ay dadating sa gitna ng tournament at maglalaro sa isang baguhang team like Welcoat. Hindi kaagad makapag-adjust. Kami man ay naga-adjust sa kanyang laro at sa kanyang ugali," ani Compton na pilit na bumubuhat sa Dragons bilang "second import.

"Pero Pilipino naman ang laro ko at hindi Amerikano so hanggang doon lang ang kaya kong gawin. Maliit ako, e," ani Compton na gumawa ng 38 puntos laban sa Air21.

Kung noong Sunday daw nagkaroon ng injury si Clark, at pina-rating nila si Sanders nang sumunod na araw, magkakaroon ito ng siyam na araw para makipag-ensayo sa Welcoat dahil sa All-Star break.

Baka mag-iba daw ang takbo ng mga pangyayari.

Puwes, may panahon pa si Sanders na mag-adjust sa Welcoat at may sapat na bilang pa ng larong nalalabi sa elimination round upang makabawi ang Dragons!
* * *
BELATED happy 52nd wedding anniversary sa aking mga magulang na sina vice mayor Amideo Zaldivar at judge Maria Carillo-Zaldivar na nagdiwang noong Abril 23.

Show comments