"This is to dramatize PBAs full support for the Samahang Basketbol ng Pilipinas and the unity effort. It also settles once and for all claim by BAP that the PBA supports them. Yun lagi ang sinasabi nila sa FIBA," pahayag ni PBA commissioner Noli Eala matapos ang PBA Board meeting na ginanap sa Cebu.
Nagkasundo ang BAP at ang PBA noong 2004 ukol sa pagbuo ng mga national teams para sa ibat ibang international competitions.
Sa ilalim ng naturang agreement, naatasan ang PBA na bumuo ng team para sa Asian-level competitions.
Ngunit ang naturang kasunduan ay natabunan ng Tokyo Accord kung saan nagsanib ang BAP at Pilipinas Basketball.
Nilinaw din ng board na nakaupo si Lito Alvarez ng Air21 sa BAP board sa personal capacity lamang.
Na reelect din si Alvarez bilang BAP deputy secretary general.
Sa long-term plan ng PBA, binuo ng Board ang project oversight committee upang pangasiwaan ang proyektong coliseum.
Ang committee ay inatasang magbigay ng komprehensibong feasibility study sa susunod na meeting sa March. Ang komite ay pangungunahan ni Eala at ang mga board members ay sina Ely Capacio, Buddy Encarnado, Hector Guballa.
May tatlong sub-committees na design and site selection, tax and legal, at finance na magsasagawa rin ng kani-kanilang pag-aaral para ibigay sa oversight committee.