Ang delegasyon na ito ng Pilipinas ay halos sinlaki ng koponan na nagsubi ng tatlong gintong medalya sa Busan Asian Games apat na taon na ang nakalilipas. Ang mga ginto ay nanggaling sa bowling, billiards at equestrian.
Ang mga aalis sa Nov. 10 ay pangungunahan nina deputy chef of mission Richie Garcia, habang sina PSC Chairman Butch Ramirez at Philippine Olympic Committee president Peping Cojuangco ay inaasahang tutulak pa-Qatar kasama ng malaking grupo sa Nov. 29.
Nanganganib na kapusin ng di bababa sa P5 milyon ang P30 milyong inilalaan ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang pondo sa partisipasyon ng mga Filipinong atleta sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar.
Ayon kay Annie Ruiz ng PSC, na humalili kay Commissioner Richie Garcia bilang panauhin ng PSA Forum, ang kakulangan ng pondo ay bunga ng mga pahabol na softball, baseball at water polo sa calendar of events ng Dec. 1-15 Doha Asiad.
Nagbabala si Ruiz na kung di mapupunan ng PSC ang pondo ay nanganganib na bawasan na lang nito ang bilang ng mga atleta na lalahok sa kumpetisyon. Si Ruiz ang tumatayong billeting chief ng RP delegation sa Doha.
Sa kasalukuyan ay may 269 atleta -- 185 lalake at 84 na babae -- na bumubuo sa Philippine Asian Games team -- na kumatawan sa 33 National Sports Associations (NSAs). Kabilang na dito ang mga manlalaro ng softball, baseball at water polo.
Ayon kay Ruiz sa lingguhang sports forum na ginaganap sa main function room ng Pantalan Restaurant sa Maynila, malaki ang pag-asa ng mga opisyal ng PSC at mga NSA na maganda ang ipakikita ng bansa sa Doha Asiad sa harap ng pagkopo ng Pilipinas ng overall championship sa 2005 Southeast Asian Games. (Mae Balbuena)