Bagkus, nasuwertihan nila sina Rob Wainwright at Gilbert Lao ng Coca-Cola at Denver Lopez ng San Miguel sa ginanap na Dispersal draft sa opisina ng PBA sa Ultra sa Pasig kahapon.
Sa pagpili ng team manager ng Welcoat na si Boy Lapid na sinamahan ng assistant coach na si Caloy Garcia, sinubukan nila ang suwerteng makuha ang mga dati nilang players na sina Eric Menk at Romel Adducul mula sa Barangay Ginebra, Eddie Laure sa Alaska, ang reigning Most Valuable Player na si James Yap at Mark Pingris ng Purefoods, Don Allado ng Air21 at RenRen Ritualo ng Talk N Text at Nelbert Omolon mula sa Sta. Lucia.
Sa naturang dispersal draft, maaaring makakuha ng hanggang dalawang players ang Welcoat mula sa siyam na koponan na hindi kasama sa sampung protected players ng bawat team.
Tanging sa Tigers at Beermen lamang nakakuha ng player ang Welcoat na tatawaging Dragons mata-pos mag-pass sa unang round pa lamang ng draft sa Air21, Ginebra, Alaska, Pure-foods, Talk N Text, Red Bull at Sta. Lucia nang hindi nila makuha ang mga nais nilang players.
May sampung players na ang nasa listahan ng Welcoat na nakatakdang magsimula ng kanilang regular practice sa Agosto 16 sa Acropolis sa alas-3:00-5:00 ng hapon.
Awtomatikong nasa Welcoat na ang rights nina Wainwright, Lao at Lopez na ipagpapatuloy ng Dragons ang kani-kanilang kontrata sa kanilang mga mother teams at makakasama nila ang tatlo pang players nai-elevate ng Dragons mula sa kanilang amateur team na sina Jay-R Reyes, Jay Sagad at Jun Cabatu.
Kinokonsidera din ng Welcoat ang tatlong nagta-tryout na sina Nino Gelig, Adonis Sta. Maria at si Froilan Baguion at kukunin din nila ang free-agent player na nagbigay sa kanila ng Unity Cup title mula sa Philip-pine Basketball League (PBL) na si Jojo Tangkay, ang naging MVP sa naturang torneo.