At ngayon ang dalawang top seeded teams ay handa nang maglaro sa semifinals ng 2006 PBL Unity Cup na magsisimula ngayong hapon sa Olivarez College Sports Center.
"A weeks rest is good enough to prepare us physically and mentally for our semifinal series with Rain Or Shine. Sobrang lakas itong kalaban namin ," wika ni Toyota Otis coach Louie Alas, kung saan mapapalaban ang kanyang mga bataan sa Rain Or Shine sa ganap na alas-4 ng hapon na tampok sa Final Four doubleheader.
Sa unang bakbakan, maghaharap naman ang Harbour Centre Port Masters at Jewels sa alas-2 ng hapon. Ito ay kapwa best-of-five series.
Dahil nagtapos na No.1 at No. 2 sa elimination round, aNg Sparks at Jewels ay nakakuha ng outright berth sa Final Four, habang pinanood naman nila ang Elasto Painters at Port Masters na nakipaglaban sa huling dalawang slots ng semis.
"We just have to keep our intensity going since the morale of the boys are high right now," anaman ni Gallent, na ang koponan ay lalaro sa ikaapat na laban sa nakalipas na walong araw.
Winalis ng Montaña ang kanilang dalawang beses na pakikipagtagpo sa Harbour Centre ngunit hindi pa rin magsasagawa ng major adjustments si Gallent kontra sa No. 2 team.
"Kung meron man konti lang. I think what we have to be wary about is their shooters. We definitely have to contain them for us to have a chance," ani Gallent. (CVOchoa)