Granny Goose sinagasaan ng Toyota

Sumulong ang Toyota Otis sa kanilang ikatlong sunod na panalo nang kanilang igupo ang Granny Goose Tortillos, 73-64 para matikman ang solong liderato sa 2006 PBL Unity Cup kahapon sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.

Nagbida sina JV Casio at Aaron Aban para sa Sparks nang kanilang pagtulungan ang 6-0 run upang tuluyang iwanan ang Snackmasters, 70-62, patungo sa huling 68-segundo ng labanan.

Umangat ang Sparks sa 9-3, at kailangan na lamang nilang manalo ng isa sa kanilang huling dalawang laro upang ma-kopo ang outright semi-finals berth na ipagka-kaloob sa top-two-teams.

Bumagsak naman ang Snackmasters sa 6-6, at lumabo na ang kani-lang tsansa sa outright semis slot.

Sa unang laro, su-mungkit ng isa na namang panalo ang kulelat na TeleTech nang kanilang igupo ang Hapee-Philip-pine Christian University, 76-72, upang manatiling may pag-asa sa quarter-final round.

Sinayang ng Titans ang 12-point sa ikatlong quarter ngunit nakabawi sila para sa ikatlong pa-nalo matapos ang 12-laro habang bumagsak na-man sa 5-6 karta ang Teethmasters.

Show comments