Isa na sa bagong supporters ng BAP ay si Michel Lhuillier ng ML Kwarta Padala na pumayag na suportahan ang training ng national pool kamakailan.
Alam kasi ni Lhuillier na kai-langang maging handa din ang BAP sakaling ito pa rin ang hu-mawak at magpadala ng national team sa Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nob-yembre. Kung ititigil ang training at biglang babawiin ng FIBA ang sus-pension sa Pilipinas, baka magku-kumahog tayo sa paghahanda para sa SEA Games. Itoy kung ang BAP pa rin ang kikilalanin ng FIBA.
So, kailangang tuluy-tuloy ang training ng koponan sa ilalim ng BAP kahit na hindi na ito nakaka-kuha ng suporta buhat sa Philip-pine Sports Commission na ka-makailan ay ni-recognize din ang PBF.
"Matagal na ring supporter ng basketball si Michel Lhuillier," ani Kwarta Padala coach Yayoy Alcoseba. "Higit 20 years na kaya naman mahal niya ang sport na ito. Kaya nang humingi sa kanya ng tulong ang BAP, kaagad siyang pumayag."
Sa ilalim ng panibagong ag-reement, ang ML Kwarta Padala ang siyang magiging nucleus ng taining pool at kukuha sila ng reinforcements sakaling hindi ito kasing lakas ng inaakala ng lahat.
Tiwala naman si Alcoseba na malakas ang kanyang koponang kinabibilangan nina Woodrow Enriquez, Romulo Marata, Pableo Canoneo, Jr., James Laygo, Jer-cules Tangkay, Aldrin Ocanada, Allan Sayon, Leody Garcia, Leo Bat-Og, Jesie Lumantas, Danny Aying, Alano Capotolan at Marty Olayvar.
Katunayan ay nakakuha pa nga sila g isang Fil-American point guard sa katauhan ng 63 na si Richard Sumapong na inireko-menda sa kanila ni dating Pure-foods Tender Juicy Hotdogs cager Reynaldo Yncierto na ngayon ay nakabase sa Las Vegas.
Ang 23-taong gulang na si Su-mampong ay ipinanganak sa Ce-bu subalit lumaki sa Hawaii at Las Vegas kung saan nadestino ang kanyang amang nasa US Army.
Ang ML Kwarta Padala ay la-lahok sa Misamis Oriental Invita-tional tournament na gaganapin sa Cagayan de Oro mula Agosto 22 hanggang 26. Doon ay makikita ng lahat ang kakayahan ng mga manlalaro ni Alcoseba na malamang na masilbi bilang natio-nal coach.
Ang dating national coach na si David Zamar ay itinalaga nilang consultant.
"Kung hindi ako qualified as national coach, kukuha ng iba. Kung sa tingin ng BAP, hindi malakas ang team na ito, kukuha ng reinforcements. Ang mahalaga, may training pool," ani Alcoseba.
"We dont care which gets the nod of the FIBA. Whether it be the BAP or the PBF, we are willing to help Philippine basketball," dag-dag pa niya.
Sana ay maraming tao na katulad ni Michel Lhuillier