Nagkasundo sina Fernandez, kasalukuyang Immigration commissioner at Sanchez, gobernador sa Batangas na magbibigay sila ng tig-P10,000 bilang insentibo sa dalawang athleta.
"Thats P20,000 just in case. I think both of them will be glad to hear the news," ani athletics president Go Teng Kok na lilipad patungong Athens sa Linggo.
Si Buenavista, tubong-Sto. Niño, South Cotabato ay kasali sa makabasag-dibdib na full marathon kontra sa mga pinakamahuhusay na pambato ng ibat ibang bansa mula sa Kenya, Ethiopia, Australia, Great Britain, Japan at United States.
Ang kanyang personal best ay 2:18.44 na naitala sa Oita City marathon sa Japan noong Pebrero na bumura sa 14 taong gulang na Phlippine record na itinala ni Herman Suizo na 2:19.26 noong 1990 Seoul footrace.
Sa kabilang dako, napantayan naman ni Bulauitan-Gabito ang 7 year old marka na 6.56m ni Elma Muros sa long jump sa Colombo leg ng 2004 Asian Grand prix noong nakaraang buwan.
Bago nagtungo sa Athens, ipinangako ni Bulaitan-Gabito na su-subukan niyang gibain ang kanyang sariling record. <