Kinatawan sa Bowling World Cup hanap

Sisimulan na ng mga mahuhusay na bowlers ng bansa sa pangunguna ng World Cup champion na si CJ Suarez ang kani-kanilang kampanya para sa Bowling World Cup national title sa 25 venues sa buong bansa.

Gaganapin ang unang qualifying period sa Paeng’s Towncenter Bowl, Paeng’s Greenbelt Bowl, Paeng’s Sugarbowl-Bacolod, Xyber Bowl, Paeng’s Skybowl, SM Fairview, Q Plaza, Paeng’s Eastwood Bowl, Metromall, Puyat Sports Baguio, Grand Central, Astrobowl, Coronado Makati, Starlane, SM West, SM Megamall, Bowling Inn, Metropolis Alabang, Commonwealth, Superbowl Pearl Plaza, Paeng’s Freedom Bowl Imus, Power Bowl-Rockwell, Coastal Lanes at Paeng’s Midtown Bowl.

Sisimulan naman ang second qualifying period sa August 23 hanggang gabi bago itakda ang center finals.

Ang top six bowlers mula sa Paeng’s Town Center Bowl, Paeng’s Sugarbowl-Bacolod, Xyber Bowl, Q Plaza, SM Fairview, Paeng’s Greenbelt Bowl at Paeng’s Skybowl at ang top 10 mula sa nalalabi pang veneus sa men’s at ladies division ang siyang sasabak sa center finals.

Ang top 86 female at male finalists matapos ang center finals ang siya namang uusad sa tatlong araw na national finals na nakatakda sa Oct. 14-15 sa Paeng’s Midtown Bowl, Oct. 18 sa SM Megamall at Oct. 20 sa Paeng’s Eastwood Bowl.

Ang tatanghaling kampeon sa lalaki at babae ang siya namang kakatawan sa bansa para sa 40th Bowling World Cup International finals na nakatak-da sa Dec. 5-12 sa SAFRA Clubhouse, Telok Blangah, Singapore.

Show comments