Walang mababago sa Red Bull

Walang dapat baguhin sa lineup ng Red Bull Barako.

Ito ang paningin ni Red Bull coach Yeng Guiao nang dumalo ito sa SCOOP Sa Kamayan sa Padre Faura kahapon upang linawin ang mga tsismis na nagpaplano ang management na i-trade si Enrico Villanueva.

"I have no plans to trade Enrico at wala ring sinasabi ang manage-ment na may plano silang ganon kaya I don’t think there’s a possibility. Although I heard some talks but there was not really an offer, from the grapevine lang," ani Guiao na gigiyahan ang North Team sa PBA All-Star game na nakatakda sa Agosto 9-15 sa Cebu City.

Ayon kay Guiao, ang 6’5 na dating Ateneo standout na si Villanueva ay kailangan sa team dahil kulang sila ng malaking tao na may muscle sa ilalim ng basket at sa paningin ni Guiao ay kuntento naman sa kanila ang kanilang players.

"I am happy with the team although that is not to say that I am closing doors on any move to beef up the current roster, if it means improvement of the team okay sa akin yun," dagdag pa ni Guiao.

Samantala, magka-karoon ng serye ng tune-up games ang Barako sa labas ng bansa bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa All-Filipino Conference na magbubukas sa Oktubre.

Ang Barako ay nakatakdang lumahok sa Xiamen, China kontra sa isang local team doon sa unang linggo ng Setyembre at babalik sa bansa upang magre-group sa loob ng isang linggo.

Sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 1 magtutungo naman ang Red Bull sa Brunei para makipag-agawan ng titulo sa Shanghai Sharks, Aspac Indonesia, Korea at Taipei at Purefoods Hotdogs.

Show comments