Inaasahang darating sina coach Raul Samson at team head coach Rolando Paterno para talakayin ang preparasyon ng Pinoys jins sa Athens Olympics, kabilang na ang kanilang paglahok sa 16th Asian Taekwondo championships at dalawang buwang training sa Seoul Korea.
Dadalo rin sa public sports program na itinataguyod ng Red Bull, Agfa Colors at PAGCOR si Henry Dagmil, ang bagong sibol na bayani sa Philippine track and field at ang kanyang coach na si Joseph Sy.