PBL Unity Cup: Happy uli ang Hapee

At muling ngumiti ang Hapee.

Sinamantala ng d-fending champion Hapee Toothpaste ang napaka-lamig na panimula ng Toyota Otis-Letran at pagkatapos ay sumandig sa kanilang reserba upang iposte ang 62-56 tagumpay kahapon sa PBL Unity Cup sa Makati Coliseum.

Ang panalo ay tuma-pos sa 3-game losing streak ng Teeth Sparklers at nag-akyat sa kanila sa ikatlong puwesto kasama ang Sunkist-UST sa kartang 4-4. Ang Knights ay bumagsak sa 3-5.

Umiskor si Emerson Oreta ng game-high 16 puntos, kabilang ang 4 sa tanging 8 triples na naitala sa laro, para pangunahan ang Teeth Sparklers, na umasinta ng 43% sa field goal, kumpara sa 30% ng kanilang kalaban.

Sa ikalawang laro, naungusan ng Blu Star Detergent ang Lee Pipes-Ateneo, 65-64.

Hapee 62--Oreta 16, Dualan 9, Mendoza 8, Juntilla 7, Omiping 7, Mercado 6, Dy 4, Macapagal 3, Moore 1, tan 1, Cordero 0.

Toyota 56--Enrile 15, Daa 13, Aldave 7, Dula 6, Bautista 5, Pinera 4, Aban 4, Santos 2.

Quarterscores: 17-7, 26-14, 45-32, 62-56.

Blu Star 65-- Villamin 14, Alfad 10, Dela Cuesta 10, Pascual 8, Canaleta 8, Mesina 5, Aquino 4, Victoria 2, Gamboa 2, Tagupa 2.

Lee Pipes 64-- Tenorio 14, Bulgia 14, Fonacier 13, Intal 10, Roldan 4, Basco 4, Manalo 2, Gelig 2, Kramer 1.

Quarterscores: 15-11; 28-23; 40-38; 65-64

Show comments