Noong Linggo ng gabi, sinundan ni featherweight Roel Laguna ang kan-yang tatlong kakampi pa-palabas sa China Unicorn, ang second Asian qualifying para sa Athens Olympics boxing event sa Agosto, sa Tianhe gymnasium dito.
Sinayang ni Laguna ang two point na abante nito patungo sa ikatlong round at mabigo sa kanyang kampanyang rally sa ikaapat at huling round upang malasap ang 31-27 decision mula kay Akbar Aradihir ng Iran.
Sina Harry Tanamor, Ferdie Gamo at Genebert Basadre ay maagang lumabas ng pintuan nang mabigo ito sa kanilang unang round na asignatura bago nadiskubre ang di maayos na computer scoring program na naging dahilan ng kaguluhan at protesta ng delegasyon mula sa 33 bansa.
Ang kabiguang ito ng Pinoy na ipinadala dito sa tulong ng Alaxan FR, Pacific Heights, Accel, Family Rubbing Alcohol at Philippine Sports Com-mission, ay dumuplika sa kanilang kahihiyang tinamo nang lumahok ito sa 1987 Asian Boxing Championships sa Malaysia.
"This is a wake-up call not only for our team but also the entire boxing community. The boys, as well as the coaching staff, did their jobs well but circumstances beyond our means gave us this fate," ani Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Manny Lopez, na siya ring secretary-general ng Federation of Asian Amateur Boxing (FAAB).
Mismong si International Amateur Boxing Association (AIBA) president Anwar Chowdry ang nakatuklas ng computer malfunction na nakita ang dikit-dikit na iskor ng Thai boxer sa laban nito kontra sa Pakistani matapos na mabigo na ang tatlong Pinoy sa kanilang laban.