Si Pingris, 3rd overall pick sa amateur draft noong Enero 9, ay ta-tanggap ng P8.5 million habang si De Ocampo na No. 4 naman ay may kabuuang P9.8 million na kontrata.
Nilinaw naman ni FedEx Express team manager Lito Alvarez, na pangulo din ng Air21, na ang pinal na pag-aanalisa sa kanilang mga baguhan ay parehas lamang at nagkakaiba lamang sa mga bonus na kanilang matatanggap.
Halimbawa, si Pingris, ay may performance-based escalation clause sa kanyang kontrata na nagsasaad na kapag ito ay nakasama sa top 30 player ng PBA sa kanyang unang taon at top 20 sa kanyang ikatlong taon, ang kanyang suweldo ay tataas sa P225,000 kada buwan sa ikalawang taon at maximum na P350,000 sa pinal na taon.
Mas mataas ang kay De Ocampo dahil mataas din ang antas na ibinigay sa kanya. Kailangang makasama siya sa top 15 sa ikalawang taon at top 20 naman sa ikatlo.
Samantala, dumating na ang import ng Express na si Alvin Jefferson ng pamosong Globetrotters sa bansa upang makagamayan ang istilo ng FedEx sa paglalaro nito sa PBA Fiesta Cup sa Pebrero 22. (Ulat ni Dina Marie Villena)