Ang total cash prize at P200,000 kung saan ang singles champion ay aani ng P40,000 at ang runner-up ay may P22.,000.
Ang mga premyo sa doubles ay P25,000 sa winners at P13,000 sa runner-up.
Ang mga interesado ay maaaring tumawag kay Loida Mallare sa Philta office (525-6434), Melchor Sabandon (0919-4042138) at Henry Daut (0920-5630431). Ang Deadline ng entry ay sa Enero 3 sa alas-12:00 ng tanghali.
Ang isang linggong torneong ito ay sanctioned ng Philippine Tennis Association sa tulong ng Dunlop Philippines, Adiong Caltex and Car Service, Maikas Convinience Store, DXSM Radio Ranao, MSU Tennis Club, Ivory Printing and Publishing House, Saaverda Paint House, Marawi Cable TV network, See the World Travel and Tours, A & G Metalcraft. Nema Electrical Supplies at XRG Hardware.
Ang tournament organizers ang gagastos ng airfare at board and lodging sa top eight players sa Philta national rankings habang ang ibang participants ay may libreng board and lodging lamang.
Tinalo ni Alban si Paul Cang, 6-3, 6-4, iginupo ni Sobrevega si Rodel Navarro, 6-3, 6-0 at naungusan ni Moncera si Juan Carlo Pantua ng South Cotabato, 1-6, 6-1, 6-4.
Pinabagsak naman ni Marvin Serito ng Cagayan de Oro si Luis Locsin, 6-4, 6-3 habang inilampaso naman ng Batac, Ilocos Norte pride Patrick Arevalo si Francis Onate, 6-1, 6-3 sa year ender Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Wilson ball, Adidas at NBN 4 Sunday TV show Sports Kids.
Ang iba pang nanalo ay sina Jopy Mamawal laban kay Karl Cruz, 6-0, 6-0; Aidan Moselina kay Klentz Chua, 6-1, 7-5; Christopher Borlongan kay Angelo Patrimonio 6-4, 5-7, 6-1; Mark Alcachupaz laban kay Raymond Padigos, 6-1, 6-2; Johnwill Baldonado kontra kay Carlos Espedido, 6-3, 7-5; at Gian Carlo Pantinio kay Riel Flores, 6-1, 6-3.