Bunga nito, na-sweep ng RP Nine ang kanilang mga asignatura sa Group B matapos itala ang ikatlong sunod na panalo na nagkaloob sa kanila ng unang slot sa semifinal playoffs.
Dahil sa kanyang amang nagtsi-cheer sa kanya kasama ang naka-babatang kapatid na si Florante, ang 32-gulang na si Acuna ay hindi napa-litan sa pagpi-pitch para i-strike-out ang 10 batters para sa tagumpay ng mga Pinoy.
Nauna rito, nanalo naman ang India kontra sa Iran, 8-1 sa isa pang Group B encounter nang magtala ng apat na RBIs (runs batted in) si Ravin-der Singh para magtapos na may 1-2 panalo-talo.
Ang homerun ni Sarawit sa seventh inning ang nagkaloob sa Thailand ng 5-4 win kontra sa Indonesia sa Group A.
Hindi inaasahan ni Acuna na darating ang kanyang tatay nang kani-lang ipalasap sa Taiwanese ang unang pagkatalo matapos magwagi sa kanilang unang dalawang laban.
"I just wanted to prove na karapat-dapat ako sa team. Ninerbiyos ako, pero pinilit ko pa ring mag-laro. I dont care kung no-relief ako. Basta gusto lang naming makuha ang championship," sabi ni Acuna.
Pumukaw din ng pan-sin ang kanyang nakababatang kapatid na si Florante nang ma-strike-out nito ang siyam na batters nang igupo ng Blu Boys ang India, 7-1.
Lamang na ng limang hits ang mga Pinoy nang maka-iskor ng dalawang hits ang mga Taiwanese sa upper frame ng seventh at final inning.
"Maganda ang nilaro ng mga bata. Sa palo, sa lahat, pitching," ani Blu Boys coach Reynaldo Manzana-res, na inihahanda na ang kanyang mga bata para sa nakatakdang pakikipaglaban sa deli-kadong Japan ngayong alas-3:00 ng hapon para sa finals berth.
Mauuna rito ang engkwentro ng Chinese Taipei at Hongkong sa ala-una ng hapon.
Magsasagupa naman ang Indonesia at Iran sa alas-9:00 ng umaga na susundan naman ng salpukan ng Thailand at India sa dakong alas-11:00 ng umaga.