P 250,000 na ang maximum salary sa PBA

Totoo kaya ang tsismis na ang magiging maximum salary ng PBA player starting next year ay P250,000 na lang ?

Mula sa P500,000 down to P350,000 recently at next year P250,000 na lang daw?

Kung totoo yan, maraming PBA superstar ang malulungkot.

Pero sa hirap ng buhay ngayon at sa hina ng negosyo, kailangan din ng mga PBA teams na magbaba ng suweldo ng mga players nila dahil kung hindi, patuloy lang silang malulugi.

Totoo kaya ang tsismis?

Malalaman natin.
* * *
Hindi masyadong maraming tao sa PBA last Wednesday sa Ultra sa pagpapatuloy ng semis.

Nakakagulat dahil holiday at aasahan mo sanang puno.

Marahil ay hinihintay ng mga tao ang finals.

Yun na lang ang panonoorin nila.
* * *
On the family way na ang girlfriend ng isang PBA player.

Magkasama na sila sa iisang bubong kahit na pinaplano pa lang nila ang kasal.

Okay lang naman ang set-up na ito sa parents ng player at ng gf.

Excited na nga sila sa pagdating ng kanilang apo.
* * *
Marami ring changes, swap at trades ang maaring maganap between now and January 2004.

Tatahi-tahimik ang paligid pero huwag ka, maraming negosasyon na nagaganap na ngayon and these involve popular player at yun iba nga eh franchise player pa.

May mga sikat na players na malalaki ang suweldo ang ipinamimigay na kahit walang kapalit pero wala pa ring takers.

Walang kumagat dahil mataas ang suweldo.

Show comments