Bagamat posibleng tumaas o bumaba ang bilang ng mga kuwalipikadong atleta bago ang biyahe sa Hanoi at Ho Chi Mihn City, ang bilang ng mga kinatawan ay maaring pumantay sa bronze medal winning marks sa nakaraang Asian Games at silver medal records naman sa 2001 SEA Games.
"It's already a big number. But the PSC will do its best to fund all athletes who will meet these two requirements," ani Buhain, na nagsabing hindi makakasama ang mga junkeets dahil tanging ang mga atletang nakapasa lamang sa screening ng PSC at ng kani-kanilang National Sports Associations ang gagastusan na gamit ang pondo ng gobyerno.
Nagpakatatag din si Buhain sa kanyang tinuran na maganda ang tsansa ng bansa sa third place overall, dahil nagsilbi itong hamon sa mga atleta.
"We have faith in them (the athletes). We could not win them all, but that's our target and it is possible we could achieve it. We'll give it a fighting chance," ani Buhain.
Idinagdag din ni Buhain na ang biyahe sa Vietnam ay makakatulong sa pagsukat sa tsansa ng bansa sa malakas na pagtatapos sa 2005 SEA Games na ihohost ng Pilipinas sa ikatlong pagkakataon. Unang naging punong-abala ang bansa noong 1981 at 1991edition ng SEA Games.
Ayon pa rin kay Buhain, ang lumalaking interest ng mga pribadong sektor na sumuporta sa Philippine sports ang nagbibigay ng lakas ng loob sa mga atletang maging maganda ang performance sa susunod na SEAG.
Pinuri din ni Buhain si First Gentleman Mike Arroyo sa kanyang pagtulong sa pama-magitan ng aktibong tambalan para sa sports development ng bansa.
"It's a very, very big boost. We thank the First Gentleman for that and we will continue to gather more active partners in the government's aim to further strengthen its sports development projects," dagdag pa ni Buhain.