Ang gametime ay sa ganap na alas-2 ng hapon.
Umaasam din ang John-O na mapanatili ang top spot sa NCR division sa kanilang pakikipagtagpo sa ICTSI sa alas-4 ng hapon. Inaasahang magiging mainit ang laban sa pagitan ng Blu Star at LBC-Batangas dahil kapwa may malakas na lineup at karakter upang mapagwagian ang bakbakan at pruweba ng kanilang mga impresibong panalo sa opening day.
Ang Detergent Kings ay nagwagi kontra sa sa Nutri-licious matapos ang dalawang overtime, 92-90 habang kinontrol naman ng LBC-Batangas ang tempo ng laro upang pabagsakin ang ICTSI sa 66-61.
"Mas malakas ngayon ang LBC-Batangas so di kami dapat maging kumpiyansa against them," ani Blu Star coach Leo Isaac. " I know that theyre in high morale thats why I told the boys to play with caution, take every opportunity and minimize turnovers. And we are ready with special gameplan against them."