Ang pagbabalik ng Welcoat Paints ni Margaret Yu!

Tiyak na magiging very visible na naman ang lovable matriarch ng Welcoat Paints sa mga PBL games.

Nakabalik na nga ang Welcoat kaya naman tiyak na buhay na buhay na naman ang mga taga-Welbest na na-miss rin sa PBL ng isang conference.

Magdadala na naman ng mga tsitsirya, sandwiches, mineral water, candy at kung anu-ano pa si Mommy Margaret Yu para ipamahagi sa mga cheerers sa likod ng bench ng Welcoat team na nakahandang bawiin ang mga korona na dati’y laging nasa kanila.

Isang malakas na Welcoat team ang inihanda nina team owners Terry Que at Raymond Yu pati na rin si coach Leo Austria, pati na ang bago nilang team manager na si Albert de Jesus, at sabi nga ng original na Welcoat Painter na si Boy Lapid, handang-handa na ang Welcoat sa kanilang pagbabalik.

Ang bagong Welcoat team ay pangungunahan ng mga MBA superstars na sina Rommel Adducul at Eddie Laure kasama sina Ariel Capus, Melvin Mamaclay, Calijohn Orfrecio, Mark Pingris, Ronald Tubid,Paul Artadi, Rey Tuble, Mac Cuan, Don Yabut, Rodel Celo, Dennis Miranda at Mark Isip. Kabilang sa mga assistant coaches ni Leo ay sina Jay Legacion, at ang dating PBL player na si Carlos Garcia. Isama nyo pa diyan sa coaching staff si Samboy Lim at kung para sa inyo ang team na yan ay hindi malakas, ewan ko na lang.

Kahapon ay nag-tune up game ang Welcoat at Blu Detergent at nanalo ang Welcoat ng 25 points! Grabe...
* * *
Ngayong Lunes na nakatakdang magbukas ang PBL at ito’y gaganapin sa Pasig Caruncho Gym at hindi sa Makati Coliseum. Wala nang opening ceremonies dahil diretso na agad sa dalawang laro--Montana laban sa LBC Batangas at pagkatapos ay ang John O vs Welcoat.

Malalakas ang line-up ng mga teams ngayong conference kaya mahirap magsalita kung sino ang mga outstanding favorites.

Isa lang ang sigurado kami--dahil sa magagandang lineup ng mga teams at dahil na rin sa presence ng mga dating MBA players, the PBL is definitely headed to an exciting conference!

Show comments