Naging malaking dagok sa tsansa ng Pilipinas ang biglaang paglipat ni Chris Clay sa Sta. Lucia Realty bilang import. Subalit umaasa silang magiging maganda pa rin ang pagpapakita natin sa nasabing torneo.
Dahil gahol na sa oras, ilan sa mga manlalarong may problema sa pasaporte ay di na makakasama. Pero malakas ang mga natirang pambato ng liga na sina Jeff Flowers (Olongapo), Romel Adducul (Pangasinan), Alex Compton (Batangas), John Ferriols (Negros), Reynel Hugnatan (Negros) at ilang mga idinagdag tulad nina Egay Echavez at Kalani Fereria (Pangasinan). Marami ring baguhan, tulad nina Billy Mamaril at Peter June Simon ng Davao Eagles. Siya nga pala, kasama rin si Binky Favis scout para sa RP Team sa Asian Games sa Busan, South Korea. Ito ay bilang tulong ng MBA sa paghahanda ng Pilipinas para sa Korea.
Nanonood sa mga ensayo si MBA Commissioner Chito Loyzaga na nagtataka sa mga balitang nawawala daw siya. Araw-araw naman daw siyang nag-oopisina, pero wala namang naghahanap sa kanya na media.
Kung magiging makatotohanan tayo, mabigat talaga ang labanan doon, lalo nat talamak ang dayaan, na maraming naging saksi. Maging sa bentahen ng ticket, ang mga Pinoy ay tinataga ng hanggang lima o anim na beses ng tunay na halaga ng ticket.
Isang susi sa tagumpay sa Jones Cup ay ang outside shooting at pag-iingat sa bola. Aminado naman tayong maliliit ang mga player natin hambing sa mga makakaharap nila, lalo na sa punong-abalang Taiwan, na nagngingitngit pa rin sa kanilang pagkatalo sa PBA Centennial Team noon pang 1998.
Pero di tulad ng dati, magsasama sina Alex Compton, Jeff Flowers at Romel Adducul. Si Compton at Adducul ay hindi pa napapanood ng mga kalaban bagamat maikli ang panahon ng pag-eensayo, napakatindi ng kanilang mga scrimmage. Takbuhan ng takbuhan, tulad ng gusto ni Rodriguez.
Ipagdasal natin na hindi nila sapitin ang nangyari sa Iloilo Mega Voltz noong 1999, na inapi ng hustot pinagbabato ng mga manonood, at nanganib ng husto.
Muli, ang tanong ay bakit walang inihandang sariling koponan ang Basketball Association of the Philippines? Wala bang kakayahan sina G. Tiny Literal at Graham Lim na kumuha ng sarili nilang mandirigma?