Tangka ng Blue Eagles, humatak ng 74-66 panalo sa kanilang debut game kontra Montana noong nakaraang Biyernes na maisukbit ang ikalawang sunod na tagumpay sa pang-alas-4 ng hapong engkuwentro nila ng Shark na maghahatid sa kanila sa pakikisalo sa Kutitap Toothpaste at ICTSI-La Salle na pawang naglista na ng tig-dalawang sunod na panalo.
Sa kabila nito, umaasa rin ang Ana Freezers na makapasok na rin sa win column matapos ang kanilang dalawang sunod na kabiguan sa nakatakdang laban nila ng Montana sa alas-6 ng gabi.
Aasahan ni Banal ang balikat ng 6-foot-7 na sina Val Domingo, 65 na si Paolo Bugia upang maka-pagbigay ng suporta kay Enrico Villanueva upang tapatan ang twin-towers na sina Rysal Castro at Irvin Sotto.
Bukod sa nabanggit, aasa rin si Banal kina Magnum Membrere, Jeremy Anicete at Wesley Gonzales upang makipagsabayan kina Sharks Warren Ybañez, Ismael Junio at Clarence Cole.