Nakopo ni Labay, No. 7 sa girls 18-under category, ang titulo kontra sa unseeded na si Bien Zoleta sa kanyang 6-1, 6-1 panalo matapos ibulsa ang 16-under crown kontra sa parehong kalaban, 6-1, 2-6, 6-2.
Sinilat naman ni Lim ang top seed na si Mauric Lao 6-1, 6-3 para sa kanyang ikaapat na sunod na 14-under title.
Naghari din ang mga paboritong sina Joseph Arcilla, Melissa Orteza at Bambi Zoleta sa kani-kanilang divisions sa Group 2 event na ito.
Tinalo ni Arcilla ang second seed na si Christian Cuarto, 7-6 (4), 6-7 94), 6-3 para sa 18-under title, isinubi naman ni Orteza ang girls 14-under crown matapos ang 7-5, 7-5 panalo kontra sa unseeded na si Jessica Agra habang tinalo naman ni Zoleta ang second seed na si Agra, 6-3, 6-2 para sa girls 12-under title.
Sa iba pang finals results, iginupo ng second seed na si Irwin de Guzman ng La Salle Greenhills ang No. 4 na si Michael Bravo, 2-6, 6-2, 6-2 para sa boys 16-under title, nakopo naman ni No. 5 Gerard Michael Ngo ang boys 12-under title kontra sa No.6 na si Joshua Tan Ho, 6-4, 3-6, 6-3 at natikman naman ng unseeded na si Ernesto Pantua III ang kanyang unang national title makaraang dispatsahin ang second seed na si Paul Nicole Magaway, 6-2, 6-0.