64th UAAP women's basketball: UP pinuwersa ang winner take all game vs.De La Salle

Ipinuwersa ng University of the Philippines ang 64th UAAP women’s basketball finals kahapon sa winner-take-all third game matapos na hiyain ang De La Salle University, 59-40 sa Ateneo gym.

Naglatag ang Lady Maroons ng malamoog na depensa sa huling canto upang malimita ang Lady Archers sa apat na puntos lamang matapos na hawakan ang huling 49-39 kalamangan sa pagtatapos ng third period upang maitabla ang serye sa 1-1.

Nakauna ang Lady Archers sa 56-53 panalo sa Game One noong nakaraang linggo.

Tanging pitong puntos lamang ang naikamada ng La Salle sa huling 3:20 segundo ng labanan .

Matapos ang lay-up ng MVP na si Rousell Ocampo na siyang nagdala sa La Salle sa 34-44, pangunguna, umiskor ng back-to-back basket si Camille Dowling upang pamunuan ang 8-0 run ng UP at agawin ang trangko sa 52-34.

Sinikap ng La Salle na ibaba ang kalamangan ng Lady Maroons sa 40-52,

Show comments