Pagkatapos ng AFC title, Grand Slam naman ang asam ng SMB

Matapos na maisubi ang PBA All-Filipino Cup titles, umaasa ang San Miguel Beer na maidadagdag sa kanilang mga kamay ang nalalabing dalawang huling titulo sa season na ito upang makumpleto ang inaasam na ikalawang Grand Slam peat ng Beermen.

"Our entire team is intact and we hope to keep it that way. If we can win the next conference (the Governors’ Cup) then we will go all out for the grand slam in the last conference," pahayag ni San Miguel manager Robert Non nang maging panauhin ito kahapon sa PSA Forum sa Holiday Inn.

Dumalo rin sa Forum na hatid ng Agfa, Red Bull at McDonald’s sina PBA executive director Sonny Barrios at miyembro ng Ms PBA Mythical Five--Rhoda dela Rosa, Eliza Kuzma, Maria del Rosario, Renette Mahinay at Melanie Meonada.

At dahil ang Beermen ang siyang nagtatanggol na kampeon sa Governors’ Cup, sinabi ni Non isa sa kanilang priyoridad ang makuha ang sinuman sa kanilang dalawang imports--sina Terquin Mott at Stephen Howard--na siyang nagdala sa kanila upang makuha ang korona sa huling dalawang taon.

" That’s why coach Jong Uichico is not here today because he is awaiting word from our US agent whether either Mott or Howard are available. I understand both are competing in Europe right now," sabi pa ni Non.

"We want to have our import soon since we are set to resume training soon," dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Non na walang magaganap na pagbabago sa kanilang team’s roster upang di naman ma-upset ang kanilang chemistry at sinabi nitong " We won with these players in the All-Filipino Cup and we hope to go all the way with them (for the grand slam)."

Tanging ang San Miguel lamang ang ikalawang koponan matapos ang nawalang Crispa Red-manizers ang naka-accomplish ng sweep sa season sa tatlong conferences noong 1991 sa ilalim ni coach Norman Black.

Ayon pa kay Non, hindi mamimili ang management ng sinumang manlalaro mula sa Purefoods kung saan ang nasabing kumpanya ay magiging pag-aari na rin ng San Miguel.

Show comments