Hindi professional ang PBL

Sinabi ni Philippine Basketball League Commissioner Chino Trinidad na napakalaking pagkakamaling tawaging ‘professional ang kanyang sinasakupang liga ng Games and Amusement Board at ito ay kanyang iaapela sa Office of the President.

Ayon kay Trinidad na nakatakdang magbigay ng kanyang letter of appeal sa Malacañang sa susunod na linggo, sa kanyang official statement na nasorpresa ito sa ruling na pumabor sa inapela ng Basketball Association of the Philippine o BAP na walang legal personality sa ilalim ng jurisdiction ng GAB.

‘It was a big surprise for us that the BAP, through secretary general Graham Lim, filed a petition for the PBL to declare itself as professional," pahayag ni Trinidad.

"It even came more surprising that the GAB ruled in favor of the BAP which has no legal personality under the jurisdiction of GAB," dagdag pa nito.

Sa resolution 9810 ng GAB, na nagsasabing ang lahat ng professional sports ay nasa ilalim ng kanilang jurisdiction, ngunit hindi ipinaliwanag kung ano ang professional sports association.

Kinamulatan nang ang isang professional sports association ay isang asosasyon na inorganisa para kumita at hindi ganito ang PBL.

"Thus, the decision of GAB to declare the PBL prefessional has no basis in law, in history and in tradition," wika ni Trinidad na pinagdiinan din ang PBL ay isang duly registered organization sa Securities and Exchange Commission bilang non-stock, non-profit organization.

Samantala umiskor ang Ateneo Pioneer ng 5-of-6 mula sa freethrow line sa huling 42.7 segundo ng labanan upang dispatsahin ang Ana Freezers, 67-61 upang maokupahan ang semifinals berth sa play-off kahapon sa 2000 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Show comments