^

PSN Palaro

Bolts itinakas ni Mitchell

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Bolts itinakas ni Mitchell
Kinabayo ni Cliff Hodge ng Meralco si Jason Perkins ng Phoenix.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ibinuslo ni import Akil Anthony Mitchell ang game-winner upang makumpleto ang comeback win ng Meralco kontra sa Phoenix, 111-109, sa 2024 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Sinalpak ni Mitchell ang go-ahead jumper sa huling segundo bago sumablay si Jason Perkins sa game-tying attempt sa buzzer tungo sa pambihirang pagbalikwas ng Bolts mula sa 23-point deficit.

Nagtapos sa 27 puntos si Mitchell sahog pa ang 13 rebounds, 3 assists at 6 steals para sa kumpletong numero sa unang panalo ng Meralco.

Nakatulong niya si Gilas Pilipinas guard Chris Newsome na may 23 puntos, 3 rebounds at 6 assists sa kanyang pagbabalik-aksyon mula sa kampanya sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Halos hindi naman uminda ng meniscus injury sa nakaraang Governors’ Cup si Aaron Black sa kanyang maugong na pagbabalik sa likod ng 15 puntos, 8 rebounds at 5 assists.

Hindi rin nagpahuli sina Bong Quinto at Anjo Caram na may 14 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa mga bataan ni coach Luigi Trillo na natambakan sa hanggang 48-71.

Unti-unting nilusaw ng Meralco ang lamang ng Phoenix hanggang sa maagaw ang manibela sa 106-105 sa huling dalawang minuto matapos ang tres ni Bong Quinto.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
34 minutes ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with