^

PSN Palaro

Nuggets babalikan ang Heat sa Game 3

Pilipino Star Ngayon
Nuggets babalikan ang Heat sa Game 3
Nuggets star Nikola Jokic
STAR / File

MIAMI -- para kay Denver Nuggets’ star center Nikola Jokic, hindi nila maaaring bigyan ng libreng tira ang Heat, lalo na sa fourth quarter.

“Just don’t get them wide-open looks,” wika ni Jokic na may mga ave­rages na 34 points, 10.5 rebounds at 9.0 assists sa unang dalawang laro ng NBA Finals. “Yes, we know they’re going to score. Yes, we know they have talen­ted players. But we cannot give them open looks, and that was the main key.”

Pag-aagawan ng Denver at Miami ang 2-1 lead sa kanilang best-of-seven championship series.

Inangkin ng Nuggets ang Game One, 103-94 habang nakatabla ang Heat sa Game Two, 111-108, para magtabla sa 1-1.

Ginawa ang dalawang laro sa Denver habang gagawin naman sa Miami ang Games Three at Four.

Sa kanilang obligatory public workouts bilang bahagi ng NBA media off-day slate ay relaks na nag-ensayo ang Nuggets at Heat.

Ngayon sa Game Three ay inaasahang uma­atikabong aksyon ang ipapakita ng dalawang koponan para makauna sa serye.

Sasandigan ng Heat ang kanilang mga fans hangang sa Game Four para talunin ang Nuggets na nasa kanilang unang NBA Finals stint matapos ang 47 taon.

Sa 40 koponang kumuha sa Game Three, ang 32 dito ay tuluyang nagkakampeon.

vuukle comment

NIKOLA JOKIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with