Tapales puwedeng maging undisputed champion
MANILA, Philippines — Posibleng maging isang undisputed super bantamweight champion si Pinoy fighter Marlon Tapales.
Pumayag kasi ang World Boxing Association (WBA/) at ang International Boxing Federation (IBF) kung saan kampeon si Tapales sa 122-pound division na pumasok ang Tubod, Lanao de Norte sa isang voluntary title defense.
Ito ay imbes na labanan ni Tapales (37-3-0, 19 KOs) sa isang rematch si Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekistan na tinalo niya via split decision noong Abril 8 para maagaw ang WBA at IBF belts.
Ibig sabihin ay maaari nang labanan ng 31-anyos na si Tapales ang mananalo sa pagitan nina World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) champion Stephen Fulton (21-0-0, 8KOs) at Japanese challenger Naoya Inoue (24-0-0, 21 KOs) sa Hulyo 25 sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan.
“This bout would be a unification of the WBA, IBF, WBC and WBO titles, which is a powerful reason to admit it for the sake of boxing,” wika ng kampo ni Tapales.
Hinawakan ni Akhmadaliev ang WBA/IBF titles simula noong Enero 2020 at matagumpay na naidepensa ang mga ito ng tatlong beses bago natalo kay Tapales.
- Latest