^

PSN Palaro

Grizzlies inangkin ang Southwest Division title

Pilipino Star Ngayon
Grizzlies inangkin ang Southwest Division title
Hindi na inabutan ni Fil-Am Jalen Green ng Roc­kets ang layup ni Ja Morant ng Grizzlies.

MEMPHIS, Tenn. — Tumapos si Ja Morant na may 17 points at 5 assists sa kanyang pagbabalik sa aksyon matapos ang league-imposed suspension at humataw si Jaren Jackson Jr. ng season-high na 37 points at 10 re­bounds para sa 130-125 panalo ng Grizzlies sa Houston Rockets.

Inangkin ng Memphis (45-27) ang Southwest Di­vision title sa ikalawang sunod na pagkakataon at nakahugot kay Desmond Bane ng 20 points.

Isang eight-game suspension ang ipinataw ng NBA kay Morant dahil sa live stream mula sa isang Denver-area strip club kung ipinakita ang pagwa­gayway ng star guard sa kanyang baril.

Sumailalim si Morant sa counseling sa isang Florida facility para sa stress relief.

Binanderahan ni Fil-Am Jalen Green ang Houston (18-55) mula sa kanyang 32 points at nagdagdag si Kenyon Martin Jr. ng career-high na 31 markers, habang tumipa si Kevin Porter ng triple-double na 14 points, 10 rebounds at 10 assists.

Sa Milwaukee, humakot si  Giannis Anteto­kounmpo ng 31 points at 14 rebounds para sa 130-94 dominasyon ng NBA-leading Bucks (52-20) sa San Antonio Spurs (19-54).

Sa Chicago, humataw si Tyrese Maxey ng 21 points para igiya ang Philadelphia 76ers (49-23) sa 116-91 pagdaig sa Bulls (34-38).

Sa Los Angeles, kuma­na si Anthony Davis ng 27 points para bumida sa 122-111 pagpapabagsak ng Lakers (36-37) sa Phoenix Suns (38-34).

Sa Minneapolis, isinalpak ni Karl Anthony-Towns ang dalawang free throws sa huling 3.6 segundo para sa 125-124 pagtakas ng Minnesota Timberwolves (37-37) sa Atlanta Hawks (36-37).

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with