^

PSN Palaro

Eala at Spoelstra nagkita sa laro ng Miami Heat

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Eala at Spoelstra nagkita sa laro ng Miami Heat
Napapagitnaan si Alex Eala nina Miami Heat star Bam Adebayo at Fil-Am coach Erik Spoelstra.

MANILA, Philippines — Nakadaupang palad ni Filipina tennis star Alex Eala si Filipino-American NBA head coach Erik Spoelstra sa laro ng Miami Heat kontra sa New York Knicks kahapon sa Miami-Dade Arena.

Nagsilbing lucky charm si Eala matapos mag-apoy sa 127-120 panalo ang Heat kontra sa bisitang Knicks upang umangat sa No. 7 spot ng Eastern Conference hawak ang 40-34 kartada.

Pagkatapos ng laban ay bahagyang nagkausap ang dalawang Filipino pride tampok din ang star center ng Heat na si Bam Adebadyo na inaasahang lalaro sa Team USA sa 2023 FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas.

Katatapos lang ng kampanya ni Eala sa Miami Open tampok ang 6-2, 7-5 kabiguan kontra kay Irina-Camelia Begu ng Romania sa Hard Rock Stadium kamakalawa kaya dumaan siya sa kalapit na Miami-Dade Arena upang supor­ta­han ang kababayang si Spoelstra.

Mainit na sinalubong ni Spoelstra si Eala at hinikiyat na magpatuloy lang sa pa­ngarap sa international scene para sa karangalan ng Pilipinas.

Nangako rin si Spoels­tra na manonood nang per­sonal at susuporta sa Filipina tennis sensation sa kanyang pagbabalik sa Miami Open sa susunod na taon.

May hawak na dalawang NBA titles si Spoelstra para sa Heat at isa sa NBA 15 Greatest Players, habang kapapanalo lang ni Eala sa US Open juniors championship noong naka­raang taon upang ma­ging kauna-unahang Pinay Grand Slam champion.

Naghahanda si Eala, wa­gi ng dalawang juniors doubles titles sa Australian Open at French Open, para sa French Open women’s championships sa Mayo.

vuukle comment

ALEX EALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with