^

PSN Palaro

Lady Bulldogs nawalan ng bangis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aminado ang defen­ding champion National University na nawala ang ‘hunger’ factor nila kaya’t na­kalugmok sa ikalawang puwesto sa UAAP Season 85 wo­men’s volleyball tournament.

Mismong si reigning MVP Mhicaela Belen ang nagsabing kulang na kulang ang effort ng kanilang team sa season na ito.

Dahil dito ay lumasap ang NU ng masaklap na 10-25, 15-25, 21-25 ka­biguan sa De La Salle Uni­versity sa rematch ng Season 84 Finals.

“Siguro po sa aming mga players iyong hunger namin sa paglalaro parang medyo nawala po eh,” sabi ni Belen.

Nakapagtala si Belen ng 12 puntos, siyam na re­ceptions at pitong digs pa­ra pamunuan ang Lady Bulldogs.

Subalit hindi ito sapat para patumbahin ang Lady Spikers.

Kitang-kita ang init sa mga mata ng Lady Spikers na nagresulta sa matikas na panalo kontra sa Lady Bulldogs.

“Katulad po ngayong game, makikita po sa La Salle na talagang gusto nila makuha itong game point by point kumpara po sa amin,” ani Belen.

Kaya naman inaasahang magiging pukpukan ang ensayo ng NU upang paghandaan ang krusyal na second round kung sa­an unang makakalaban ng Lady Bulldogs ang Lady Spikers.

Maghaharap ulit ang NU at La Salle sa Linggo sa Philsports Arena sa Pasig City para simulan ang second round ng eliminasyon.

“Balik po ulit kami sa trai­ning. Mag-viewing po ka­mi kahit masakit sa amin panoorin pero kailangan po eh, para mapaghandaan namin sila and makita namin kung ano iyong naging pagkukulang namin this game,” dagdag ni Belen.

Wala ring palusot si NU head coach Karl Dima­culangan dahil alam niyang mas determinado ang La Salle na makuha ang panalo.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with