^

PSN Palaro

Sotto, Dragonflies pinigilan ng Dolphins

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bahagyang nanlamig si Kai Sotto sa unang single-digit scoring niya sa Japan tungo sa masaklap na 88-90 kabiguan ng Hiroshima Dragonflies kontra sa Nagoya Diamond Dolphins sa B. League kamakalawa ng gabi sa Dolphins Arena.

Matapos ang apat na sunod na twin-digit scoring ay nagkasya lang sa 8 puntos ang 7-foot-3 Filipino tower na ininda ng Dragonflies upang maputol ang kanilang three-game winning streak.

Nagsahog si Sotto ng apat na rebounds, apat na assists at apat na blocks sa 23 minutong aksyon bilang starting center pero kapos pa rin para sa Dragonflies.

Nauna nang nagbuhol ng sunud-sunod na pambatong performance ang 20-anyos na cager simula sa pagsikwat ng 10 points, 2 rebounds, 1 steal at 3 blocks sa kanyang debut kontra sa Ryukyu Golden Kings.

Nabigo ang Hiroshima sa labang iyon subalit sumundot ng tatlong sunod na panalo kontra sa Kyoto Hannaryz, 102-95, at Ibaraki Robots, 90-72, 87-83.

Bumirada siya ng 20 markers at 8 rebounds kontra sa Kyoto at humakot ng 21-point, 12-rebound at 14-point, 9-rebound outing kontra sa Ibaraki.

Hindi nakalaro ni Sotto ang kapwa Gilas Pilipinas player na si Ray Parks dahil sa injury.

Tengga sa No. 5 ang Hiroshima sa 31-12 kartada habang nakabuntot sa No. 6 ang Nagoya bitbit ang 30-13 marka dahil sa malaking panalo matapos ang game-winner ni Coty Clarke.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with