Why o why?
Biglaan ang pangyayari.
Walang patumpik-tumpik. Walang pahiwatig. Walang drama.
Nagising na lang tayo lahat sa balita nung Thursday na nag-retire sa PBA si Christian Standhardinger ng Terrafirma.
Anyare?
Dahil sa edad na 35, mabangis pa si Christian sa loob ng court. In fact, kahit saan na PBA team, pang starting five pa siya.
Eh bakit nag-retire? Nawalan ba siya ng gana mula nang ma-trade ng Ginebra sa Terrafirma this year? May iniinda ba siya? Or gusto lang iwan ang PBA para maglaro sa ibang bansa?
Baka naman ayaw lang sa Terrafirma. At kung mag-expire ang contract niya sa Dec. 31 eh maghanap ng ibang team sa PBA?
Kung ‘yun ang plano, baka maging masalimuot. Sabi nga ni super Kume Willie Marcial, may legal implications kung ang gusto lang ni Christian eh lumipat ng PBA team.
Ewan natin. Basta, nag-announce si Christian na retired na siya sa PBA. I’m sure nagulat ang Terrafirma kung saan naka-ilang games lang siya after the trade dahil may injury.
Injured nga kaya talaga?
- Latest