^

PSN Opinyon

Manginginom magkaisa kontra climate change

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

LAHAT ng alak ay galing sa tanim. Ang wine, champagne at brandy ay sa ubas at iba pang prutas. Ang beer ay sa barley o mais, at hops. Ang tuba at lambanog ay sa niyog o nipa. Ang vodka, gin at whiskey ay sa grains. Ang tapuy ng Igorot ay sa bigas, at basi ng Ilokano at Ilonggo sa tubo. Moutai sa sorghum, tequila sa agave. Pati tapón ng bote ay sa cork tree.

Lahat ‘yan winawasak ng climate change. Sa mundo ngayon, kung hindi sobrang ulan ay sobrang tuyot. Nitong 2021-2022 binaha ang kalahati ng sakahan sa Europe, China at Australia. Kalahati du’n ay sinira ng heat wave. Sobrang baha sa Africa at South America. Sobrang drought sa India at North America. Bagsak nang 30% ang produksyon ng ubas sa France kaya nagmahal ang vino. Sa Pilipinas kung hindi super-typhoon ay super-banas. Kaya sira ang palayan, maisan, niyogan at tubuhan. Katatama pa lang ni supertyphoon Odette nu’ng Disyembre, sumunod na si supertyphoon Karding nu’ng Setyembre.          

Magkaisa tayong mga manginginom kontra climate change. Pati pulutan natin apektado na. Dahil sa sobrang banas, hindi kumakain ang manok; nababansot, walang itlog. Umiinit ang dagat sa dakong Equator. Konti ang huling isdang pang-ihaw, kinilaw o sinigang.

Greenhouse gases – pangunahin carbon sa paggamit ng petrolyo at plastic – ang sumisira sa klima. Umiwas tayo sa plastic bag, kubyertos, baso, straw at Styrofoam. Makakabawas din ito sa basura sa ilog at dagat. Umiwas tayo sa karneng baka. Inaagaw ng pastulan ang lupang taniman; ang utot ng baka ay nakakadagdag nang malaki sa methane sa ere. Umiwas tayo sa imported pork at de-lata. Dagdag sa carbon emissions kada biyahe ng barko, eroplano, tren at truck, pati usok ng pabrika ng food processing. Isa-alang-alang ang kalikasan – para tuloy ang inuman at pulutan. Tagay na, tusok na!

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

CLIMATE CHANGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with