^

PSN Opinyon

Anim na kalagayang nagpapabigat sa buhay

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang karapatan kundi tungkulin pa nga ng tao maging maligaya. Pero may anim na kalagayang nagpapabigat sa buhay, noon pa sinuri nina Socrates, Plato at Aristotle. Sa librong “Life is Hard” pinapaliwanag ni modernong pilosopo Dr. Kieran Setiya ng Massachusetts Institute of Technology kung paano mapapaligaya ang buhay maski nabibigatan.

Isa-isa niyang tinalakay ang anim na sitwasyon:

l Kapansanan at kirot – maaring mula pagsilang o dahil sa sakit, aksidente o labanan ang kapansanan. Mara­ming kuwento kung paano ito nilampasan ng bata man o matanda para mabuhay nang normal at kontento. Iba ang kirot na matagal nang pabalik-balik. Dapat lunasan.

l Panglaw sa pag-iisa – Mabuti mapag-isa paminsan-minsan. Pero hindi dapat ito ginagawang parusa sa kapwa. Importante sa tao ang pagmamahal at pagkakaibigan.

l Hinagpis – Huwag maliitin ang lungkot ng namatayan, nawalan ng mahal sa buhay. Alalayan ang nagluluksa para makabangon.

l Kabiguan – masanay na hindi lahat ng plano ay makakamit at mapagtatagumpayan. Nakakatatag ng loob ang kabiguan.

l Kawalan ng katarungan – Dapat labanan ang inhustisya sa sarili at sa kapwa. Ituwid agad kung ikaw ang gumawa nito. Magagalak ka sa resulta.

l Kawalang-saysay – nagkakahalaga ang buhay at nagkakaroon ng pag-asa kung magapi ang unang lima, lalo na ang kawalan ng hustisya.

Pinagdiinan ni Setiya ang pakiramdam ng pag-asa. Lahat ng tao ay dumaranas ng isa o mahigit na kabigatan. Minsan sabay-sabay pa nga ang anim. Kung hindi maiiwasan ang naturang kabigatan, paano mapapaganda ang buhay? Sa pagtutulungan at pag-aalalayan, nagkakahawaan ng pag-asa. Sumasaya dahil bumubuti ang isa’t isa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

TECHNOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with